instruksyon sa pag-iingat ng t-sert na tatak ng t-sertkuseries
bawat t-sert na tinatatakan ng t-sertkuseries ay ay hinihiling kong inyong pagiingatan. idinaan ko na sa curing ang bawat t-sert bago ku ilabas kaya't dalawang proseso lamang ang mabilis na makakasira ng tatak ng inyong lingkod...madalas rubberized ang aking ginagamit ibig sabihin nito ay goma ang pinturang nasa inyong t-sert kaya ito ang aking tagubilin:
una ay ang paglalaba:
1. huwag ninyong ibababad sa tubig ng matagal ang t-sert,
2. huwag ding iwawashing machine at kung nalabhan na ay huwag pigain ng husto...
pangalawa, pagpapalantsa:
1. huwag ninyong papalantsahin ng direkta sa tatak,
2.huwag ding papalantsahin na magkadikit ang parehong sides kung harap at likud ang may tatak...
siguradong tatagal ang tatak sa t-sert nyo kung ito ay masusunod
0 Comments:
Post a Comment
<< Home