mga nasa sirkulasyon na
matagal ku ng libangan ito ngunit sa ilalim ng t-sertkuseries ang unang t-sert na lumabas ay ang "at ti lauy!..", ang piktyur ay nasa itaas, bilang sample at pag-aari ng inyong lingkod, sa black na t-sert at dilaw na pintura. simple lang ang design nya... sumunod dito ay ang kay carie malinay dahil katunog daw ng pangalan nya, ang "ay de kari!.." sa light blue na t-sert naman. 2 t-sert lang iyon, isa bawat isang design at maaring di na maulit...may ilang t-sert din ng "Syempre Aurora"(due credit to Kidlat) ang naitatak na... sa ngayon ay may ilang mga orders na buhat ang design sa mga samples na naipakita ku sa aking mga kaibigan at kakilala, sa ngayon, pinakapopular duon ang "Pa Kep _______!.."
ang mga ginagamit kong materyales, gaya ng pintura na karamihan ay rubberized, ay gawa ng isa sa pinakakilalang manufacturers ng textile paints sa bansa medyo may kamahalan ngunit maganda naman ang kalidad. sa mga nagpapagawa maasahan nyo na hindi ku titipirin ang inyong mga pinapagawa... ang t-sert na ginagamit ko ay hindi ang pinakilalang brand ngunit mas minamaganda ko ang kalidad ng tela pagkat sa kalaunan ay hindi nayayatyat...
sa mga susunod, gaya ng unang nasabi ku, ay makikita na ninyo ang piktyur ng mga actual na naitatak na. may isang limitasyon lang akung nais ipabatid sa mga magpapagawa: di aku nagseset ng final na deadline sa mga orders upang mapagtuunan ku ng sapat na panahon ang bawat pagtatatak.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home