Thursday, September 28, 2006

bagong profile logo



ito po ang bago kong profile natuto po kasi ako ng kaunting corel at photoshop na matagal ko ng pangarap. dati ay manu-mano lang akong nagdodrawing ngayun sa computer na. dati ang profile ko ay iniscan lamang ngayun po ay nakacorel na...hay mabuti naman at nakapag-improved na kaya may bago din akung raket: oh baka gusto nyo padesign ng tarpaulin ha? e-mail kayo sa 'kin

Wednesday, September 27, 2006

paiksian ng salita



para malayu naman ang atensyon nyu sa huling post ito ang huling design..simple lang sya para matuon ang pansin ng bumabasa sa mga salitang naririto...ilan lang ito sa mga salitang baler na binubuo ng isa, dalawa o ilang letrang maski na maiksi ay nakakapaghatid agad ng ideya...susunod subukan nating bumuo ng alpabeto...hindi ibig sabihin nito at may salita kaming ganito sa baler ay pipi na kami o palaging tameme madami dito pwedeng makipag-oron hanggang gab-i na, anu nga mga abay?

Wednesday, September 20, 2006

ang kontrobersyal na tatak





ang 2 actual na tatak ay nasa itaas... ito ang pinakamaraming nag-order...ang ibig sabihin nito ay makikita sa batang baler magkaiba lang kami ng spelling...offensive siya sa sensibilities ng iba...iniinvoke lang namin ang freedom of expression

sa itim na t-sert, rubberized uli, ang pintura ay yellow opaque na may edge na gray wetlook, white opaque at red emboss. sa puti ang naging embosssed ay ang white, wetlook ang pula

Tuesday, September 19, 2006

ang siempre aurora sa puting t-sert

ang siempre aurora...


ang actual na tatak ng siempre aurora, unofficial na t-sert itu, sinubukan ko lang na ipakita ang magiging hitsura nya pag naitatak na sa t-sert

ang sa HRMD...



ang pictyur ng t-sert ng Human Resource habang suot ni Toffer,isang empleyado nila... embossed ang white, red at blue ay opaque...

sa PAIAD...


eto ang sa Prov. Affairs and Information Assistance Office o PAIAD habang suot ni BJ, empleyado nila

t-serts ng SP




habang hindi pa ako nakakapagpost inatupag ko muna ay ang nasa itaas na t-sert ng Sangguniang Panlalawigan ng Aurora, ang sa Human Resource at ang Provincial Affairs and Information Assistance Division...pawang matatagpuan ang mga opisinang ito sa kapitolyo...dito sa dilaw na t-sert ng SP, rubberized syempre ang tatak, nakaembossed ang pula at puti, wetlook ang itim

ang dating t-sert ng SP sa berdeng tela, ang pintura ay puting wetlook at embossed, at itim na wetlook...may ganito ring tatak sa pulang tela

ang tatak ng "ay de kari!"



salamat at nakapagpost din ako. inintay ko pa ung hiihiram kong camera sa kapatid ko kaya medyu natagalan dahil naipangako ko nga sa nakaraang post ku na sasusunod ay ang picture na nga...ito na ang picture ng actual na tatak ng "ay de kari!"...malabo lang ang pagkakuha...

Tuesday, September 05, 2006

instruksyon sa pag-iingat ng t-sert na tatak ng t-sertkuseries

bawat t-sert na tinatatakan ng t-sertkuseries ay ay hinihiling kong inyong pagiingatan. idinaan ko na sa curing ang bawat t-sert bago ku ilabas kaya't dalawang proseso lamang ang mabilis na makakasira ng tatak ng inyong lingkod...madalas rubberized ang aking ginagamit ibig sabihin nito ay goma ang pinturang nasa inyong t-sert kaya ito ang aking tagubilin:
una ay ang paglalaba:
1. huwag ninyong ibababad sa tubig ng matagal ang t-sert,
2. huwag ding iwawashing machine at kung nalabhan na ay huwag pigain ng husto...
pangalawa, pagpapalantsa:
1. huwag ninyong papalantsahin ng direkta sa tatak,
2.huwag ding papalantsahin na magkadikit ang parehong sides kung harap at likud ang may tatak...
siguradong tatagal ang tatak sa t-sert nyo kung ito ay masusunod