Wednesday, August 30, 2006

disenyo sa computer ng ay de kari!..

ito ang disenyo sa computer ng "ay de kari!..pangalawa sa serye. ibig sabihin nito ay pagtanggi o de lamang o de tutuo. susunod na posting ay ang piktyur ng actual na pagkakatatak sa t-sert. malaki ang pinagkaiba sa kulay ng background ngunit may sarili siyang ibang dating

pinakakilalang salitang baler

pinapalasak at pinakakilalang salitang baler at pinakamadalas mabanggit. pwedeng paghiwalayin o isama sa ibang salita gaya ng, "arre ha!..", "akkaw naman!.."parehong expressions ito at makikita ang meaning sa dictionary ng www.batangbaler.net magkaiba lamang kami ng spelling

Tuesday, August 29, 2006

ang baler ay nasa sa aurora province

marahil kayo ay nakaranas na ng ganito: kadalasan pag me nagtatanung sa atin kung tiga-saan tayo pagsinagut natin ng "tiga-baler!" ang kasunod na sasabihin ng nagtanung ay "ah quezon"...aku ay palaging nakakaramdam ng pagkaiinis pag ganun kaya sinasabi ku "ay bakit parang masyado kang huli sa balita?" o kya ay "absent ka ata nun, ano?" o "mahina ka ata sa geography?" kaya ngayun dun sa mga gustong madagdagan ang kaalaman para sa inyo ito.Dahil sa BP#7 naging ika-73 na lalawigan ang Aurora ng Pilipinas nuong august 13, 1979.

Friday, August 25, 2006

halu-halong salitang baler



halu-halong salitang baler: karamiha'y mga expressions...

ang nasa itim na background ay design sa computer...isa sa mga sampol ng sari-saring disenyong tatak... no. 3 sa serye, baka maging part 1 lang itu at marami pang susunod na kagaya niyang format. may ilan ng kasalukuyang nagpapagawa nito at may ilan pa ring interesado... hanggat maari ay limited lang ang ilalabas ku para di maging palasak masyado o pangkaraniwan na ngunit iyun ay depende pa rin sa mga nakapagpagawa na at magpapagawa pa.
ang actual na tatak sa pulang t-sert, printing: yellow opaque at white embossed


Thursday, August 24, 2006

mga nasa sirkulasyon na



matagal ku ng libangan ito ngunit sa ilalim ng t-sertkuseries ang unang t-sert na lumabas ay ang "at ti lauy!..", ang piktyur ay nasa itaas, bilang sample at pag-aari ng inyong lingkod, sa black na t-sert at dilaw na pintura. simple lang ang design nya... sumunod dito ay ang kay carie malinay dahil katunog daw ng pangalan nya, ang "ay de kari!.." sa light blue na t-sert naman. 2 t-sert lang iyon, isa bawat isang design at maaring di na maulit...may ilang t-sert din ng "Syempre Aurora"(due credit to Kidlat) ang naitatak na... sa ngayon ay may ilang mga orders na buhat ang design sa mga samples na naipakita ku sa aking mga kaibigan at kakilala, sa ngayon, pinakapopular duon ang "Pa Kep _______!.."
ang mga ginagamit kong materyales, gaya ng pintura na karamihan ay rubberized, ay gawa ng isa sa pinakakilalang manufacturers ng textile paints sa bansa medyo may kamahalan ngunit maganda naman ang kalidad. sa mga nagpapagawa maasahan nyo na hindi ku titipirin ang inyong mga pinapagawa... ang t-sert na ginagamit ko ay hindi ang pinakilalang brand ngunit mas minamaganda ko ang kalidad ng tela pagkat sa kalaunan ay hindi nayayatyat...

sa mga susunod, gaya ng
unang nasabi ku, ay makikita na ninyo ang piktyur ng mga actual na naitatak na. may isang limitasyon lang akung nais ipabatid sa mga magpapagawa: di aku nagseset ng final na deadline sa mga orders upang mapagtuunan ku ng sapat na panahon ang bawat pagtatatak.

Friday, August 11, 2006

gawang aurora t-sert prints

this blogspot is created to provide a venue for mga tiga aurora or may dugong aurora to express their creativity or promote everything that they like about aurora using t-sert as a medium. the idea is "concept mu idedesign at itatak ku" or "design mu itatak ku" for a minimal fee bearing in mind the peculiar characteristics of silk screen printing, the materials available and the capacity of the printer to transfer your design from the stencil or negative draft to the t-sert.

sa ngayon po ay mga salitang baler o aurora ang panimulang ginagawa namin o mga disenyo na may kaugnayan sa Aurora. makikita po ninyo na sa mga sumusunod na pagkakataon ang mga finished t-sert at ang mga iba pang design na pagpipilian. just make your choice of design and your favored color of paints and t-sert and place you order.

upang masuportahan ang gastusin sa unang nabanggit na gawain tumatanggap din po kami ng commercial na pagpriprint ng t-sert gaya ng ginagamit sa opisina, sa mga grupo o asosasyon at organisasyon o sa promotion ng produkto o negosyo at personalized na pagtatatak, gaya ng pangalan.

email me at t_sertkuseries@yahoo.com.ph