Tuesday, November 07, 2006

lumang bago...

ang dalawang bagong post kong ito ay mga dati ko ng gawa matagal na ang nakakaraan. ang una ay pinagkakakitaan ko nung nag-aaral pa aku kaya lang ang mga silk screens na gamit ko para dito ay nasira na...sample lang ito kung serye na ng mga scenic spots ang aking itatatak pagkatapos ng mga salitang pangbaler...

itong pangalawa ay pangredcross. naging volunteer kasi ako for 1 year doon. 2 lang ang naging kopya nito sa akin ang isa, pinanregalo ko naman ang isa kaya lang ipinahingi din yata ng mag-abroad. ginaya ko lang ito sa isang poster...

hindi pa ako makapagpost ng bagong serye ng tatak sa t-sertkuseries hanggang serye blg. 5 pa lang aku ngayun at ang iba pang orders sa akin mula serye 1 hanggang 5 ay hindi ko pa natatapus hindi po kasi ito ang main occupation ku, medyu busy pa kami sa trabaho.

ang quality ng pintura maski na matagal na ay hindi parin kumukupas o nasisira dahil nga gaya ng una kong sinabi sa mga nauna kong post ay hindi nilalabhan sa washing machine ang mga t-serts na ito, hindi rin binababad at hindi rin direktang pinaplantsa

Monday, October 16, 2006

pasasalamat...

ito po ay isang pasasalamat sa mga tumatangkilik sa t-sertkuseries...nakakapagpataba po ng puso ang mga natatanggap kong compliments lalo na iyong mga nagsasabi na masarap daw isuot ang t-sert na ito dahil sa kanila nakatingin ang mga tao at napapangiti habang binabasa ang tatak sa t-sert na suot nila...muli po maraming salamat sa inyong pagtangkilik at patuloy na pagsubaybay...asahan ko po ang palagi nyong pagbisita dito...masarap po ang pakiramdam na makapagdulot ng saya ang munti kong nakayanan...

ang bagong bersyon ng "arre akkaw"

series no.5, ito ang bagong bersyon ng "arre akkaw" maganda sya sa mga light colored shirt...emboss ang red, wetlook ang black

"at ti lauy" sa blouse...


ang blouse na ito ay navy blue habang suot ni ms. ggoy, isang magandang customer ng t-sertkuseries...sa mga nagtatanung kung anu-ano ang mga kulay na available ng blouse, eto po: red, orange, light yellow, light green, pink, blue, navy blue, light blue at white

ang bagong siempre aurora




ang bagong anyo ng "siempre aurora" sa puti at black na t-sert...ang logo ng "siempre aurora" ay ilalagay sa lahat ng mga produkto na galing at gawa sa aurora na pasado sa bfad, kung pagkain, o sa mga produktong may sapat ng exposure sa labas ng lalawigan at maari ng iangkat palabas ng aurora...ang inyo pong lingkod ay isa sa mga nagbuo ng logong ito...ang tatak ng "siempre aurora" ay emboss na emerald green, ang mountain ay wetlook na royal blue may gradient na light blue, ang araw na may walong sinag bilang walong bayan sa aurora ay naggradient din mula sa red orange papunta sa yellow orange, wetlook din

Thursday, September 28, 2006

bagong profile logo



ito po ang bago kong profile natuto po kasi ako ng kaunting corel at photoshop na matagal ko ng pangarap. dati ay manu-mano lang akong nagdodrawing ngayun sa computer na. dati ang profile ko ay iniscan lamang ngayun po ay nakacorel na...hay mabuti naman at nakapag-improved na kaya may bago din akung raket: oh baka gusto nyo padesign ng tarpaulin ha? e-mail kayo sa 'kin

Wednesday, September 27, 2006

paiksian ng salita



para malayu naman ang atensyon nyu sa huling post ito ang huling design..simple lang sya para matuon ang pansin ng bumabasa sa mga salitang naririto...ilan lang ito sa mga salitang baler na binubuo ng isa, dalawa o ilang letrang maski na maiksi ay nakakapaghatid agad ng ideya...susunod subukan nating bumuo ng alpabeto...hindi ibig sabihin nito at may salita kaming ganito sa baler ay pipi na kami o palaging tameme madami dito pwedeng makipag-oron hanggang gab-i na, anu nga mga abay?